Wiktionary:Maligayang pagdating!
Maligayang pagdating sa Wiktionary! Ang Wiktionary ay isang ambagang proyekto sa paggawa ng isang malaya at multilinggwal na talahulugan o diksyonaryo at tesauro. Kami ay nakagawa na ng 16,444(ng/na) artikulo mula noong Marso, 2005, at patuloy pa kaming lumalaki.
Maaari kang magbago at magdagdag ng mga bagong entrada sa Wiktionary, at hindi mo pa kailangan maging isang miyembro ng Wiktionary upang magbago o magbigay ng iyong kaalaman sa proyektong ito. Ngunit, sa mga tangka ng administrasyon, minumungkahi namin na kayo ay sumali.
Dahil ang Wiktionary ay kasamang leksikal ng Wikipedia, ang malayang ensiklopedya, nanghiram ang Wiktionary mula sa Wikipedia ng ilan sa mga balor at tradisyong kultural na kailangan respetuhin:
- Sinusubukan namin na hindi mag-away. Hindi ito isang porum para sa debate o pagtatalo.
- Pagkatapos ng usapang sibil at makatwirang usapan, sinusubukan naming abutin ang pagkakasundo o consensus kung ano dapat ang isang entrada para mapakita namin ang isang matumpak na buod ng mga kaugnay na katotohanan na walang kinikilingan para sa aming mga kinabukasang magbabasa.
- Sinusubukan naming gumawa ng mga entrada na walang kinikilingan at ilagay ito sa mga nakasulat na artikulo. Ang kahulugan ng pahayag na iyan ay kahit sa mga kahulugan o deskripsyon, kahit na sa mga kontrobersyal na topiko, ay dapat hindi maging plataporma para sa pagtuturo ng kahit ano. Intindihin po ninyo na ito ay isang diksyonaryo, kaya ang Wiktionary ay may maraming uri ng paggamit na hindi siya pwedeng maging.
- Sa kahit saan, kung ikaw ay naging di-komportable sa pagbago ng isang gawain ng ibang tao, at gusto mong mag-lagay ng komento o pag-iisip tungkol sa isang entrada o ibang pahina, pwede kayong pumunta sa pahinang usapan ng pahina na iyon (pwedeng i-klik ang "usapan" na tab).
Kung kailangan mo pa ng impormasyon tungkol sa Wiktionary, maaari mong tingnan ang mga sumusunod na pahina:
Maaari ka ring bumisita sa aming portada ng komunidad para sa impormasyon tungkol sa istilo ng mga entrada, sa mga patakaran, at kung kailangan mo rin ng pag-akay. Maaari rin kayong mag-iwan ng mensahe sa Kapihan. Inuulit po namin sa inyo, maligayang pagdating sa Wiktionary!