Pumunta sa nilalaman

baboy

Mula Wiktionary

Tagalog

[baguhin]

Etimolohiya

[baguhin]

Malayo-Polinesyo, maaaring ihambing sa salitang babui ng Chamorro.

Pangngalan

[baguhin]

(pambalana)
baboy

  1. Isang hayop mula sa saring Sus. Karaniwang ginagamit sa agrikultura.
    Imbes na darak, mga dahon ng gabi ang ipinangkain ni Maria sa kanyang mga alagang baboy.
  2. Ang laman ng hayop na baboy.
    Mas hilig ni Jose ang kumain ng laman ng baboy kaysa isda.
  3. (impormal) Isang nakakadiring tao.
    Huwag kang baboy. Hindi kaaya-ayang magtapon ng basura nang basta-basta.
  4. Tukso sa isang taong mataba.
    Manhid na si Rosa sa mga kutya ng mga kapitbahay na siya raw ay baboy.

Mga salin

[baguhin]

Pandiwa

[baguhin]
Kaganapan Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Tagaganap binaboy binababoy bababuyin
Tagatanggap ibinaboy ibinababoy ibababoy
Layon bumaboy bumababoy bababoy
Ganapan pinagbabuyan pinagbababuyan pagbababuyan
Kagamitan ipinangbaboy ipinapangbaboy ipangbababoy
Sanhi nababoy nagkababuy-baboy mabababoy
Direksyunal -- -- --

baboy

  1. Sirain o yurakin ang isang tao o bagay.
    Nababoy ang mga nakasabit na kabaong sa Benguet nang dahil sa bandalismo at pagnanakaw.

Mga salin

[baguhin]

Pang-uri

[baguhin]

(panlarawan, payak) baboy

  1. Nakakadiri.
    Ang baboy mo talaga! Bakit mo pa kinain ang tsitsiryang nalaglag na sa lapag?

Mga salin

[baguhin]

Cebuano

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baboy

  1. Ang hayop na baboy.

Ilokano

[baguhin]

Pangngalan

[baguhin]

baboy

  1. Ang hayop na baboy.