lakas

Mula sa Wiktionary
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Tagalog[baguhin]

Pagbigkas[baguhin]

  • PPA: /ˈlɐˈkas/

Etimolohiya[baguhin]

Salitang lakas ng Tagalog

Pangngalan[baguhin]

lakas

  1. Kakayahang labanan ang temptasyon o pagsubok
    Hindi naubusan ng lakas si Cory noong sinusubok siya ng tadhana.
  2. Kakayahang maimpluwensyahan at masakop ang sinuman o alinmang tao o bagay
    Ang lakas ng isang pinuno ay nasa mamamayanan.
  3. Kakayahang gumawa ng isang bagay o lumikha ng puwersa
    Puno ng lakas si Kules dahil kaya niyang bumuhat ng isang tanke.

Mga singkahulugan[baguhin]

  1. paninindigan
  2. kapangyarihan

Mga salin[baguhin]

  • Ingles:
  1. fortitude
  2. power, might
  3. strength

Pang-uri[baguhin]

lakas

  1. Isang tao, bagay, pangyayari, o ideyang makapangyarihan o may puwersa
    Ang lakas ng bagyong si Ana.

Pangalang pantangi[baguhin]

Lakas o Lakas Christian-Muslim Democrats

  1. Isang partidong pulitikal sa Pilipinas
    Kabilang sina GMA at si FVR sa partidong Lakas.