Pumunta sa nilalaman

abyang

Mula Wiktionary

"Abyang" Salitang Dumagat na tumutukoy sa mga taong taga kapatagan.Dahil Tagalog ang malimit gumala sa kabundukan ng mga agta ng dumagat, sila ang malimit maturingan na "Abyang" ng mga katutubong ito.Ang katawagang "abyang" ay isa ring salita na nagbuhat din sa Tagalog na "Abang".Isang wastong pagtukoy sa mga taga kapatagang Tagalog na nag aabang sa mga iniiwang lupain ng mga katutubong Dumagat.Isang katangian ng katutubo na magpalipat lipat dahil sila ay nabubuhay sa pangangaso at pansamantalang pagsasaka pagkatapos magkaingin ng ilang buwan o taon sa gilid o talampas ng kabundukan.Samantala, naka abang naman ang mga taga kapatagang Tagalog upang ariin ang lupain at taniman ng pangmatagalang mga panananim tulad ng niyog at mangga.Sa ganitong pamamaraan din nabuo ang salitang "Sebyang" o nagsangang ilat o ilog, mula rin sa Tagalog na pagbigkas na "Sabang" na itinatawag sa mga dako na may nagsasangang ilog sa buong kapuluan ng Pilipinas.