Pumunta sa nilalaman

pakikisama

Mula Wiktionary

☆Ang salitang pakikisama ay galing sa salitang "sama" at ang unlaping "paki", at ang literal na ibig sabihin nito ay samahan ang isang tao. Ginagamit ang pakikisama upang mapanatili ang maayos na relasyon sa kapwa, at nauugnay ang pakikisama sa pakikibagay, pakikitungo, at pagkakasundo.☆

☆Ayon kay Virgelio G. Enriquez, ang pakikisama ay isang uri ng pakikipagkapwa, at ang ika-limang antas sa Lebel ng Pakikipagkapwa, sa pagitan ng Pakikibagay at Pakikipagpalagayang-loob. Nagpapahiwatig ito ng kalapitan sa kapwa dahil ito ang pinakatmaaas na lebel sa kategoryang Ibang Tao sa Lebel ng Pakikipagkapwa, ngunit dahil hindi ito bahagi ng kategoryang Hindi Ibang Tao, hindi pa lubos ang relasyon sa kapwa.☆