Pumunta sa nilalaman

maladagitab na balani

Mula Wiktionary

"MALADAGITAB NA BALANI" isang bagong likhang salita na itinutumbas sa "electromagnetic energy" ng inggles.Ang isang uri ng lakas na ito ay bahagi nang umiiral nating kapaligiran at mga anyo ng buhay.Isa nga itong mataas na uri ng lakas o energiya na patuloy na dumadaloy sa umiinog(orbit),umiikot(rotate) at sumisikot(revolve) nating daigdig sa kaluwangan ng ating kalawakan.Ang bawat pagkilos sa pangkalahatang antas sa ating kapaligiran nito ay nangangahulugan din ng patuloy na pagdaloy nito para umusbong,umiral at yumabong ang bawat nilalang na may buhay.Mula sa sapantahang ito, ang lahat ay nababalot ng mga energiya na ang isang uri nito ay ang maladagitab na balani sa kapaligiran.May kaugnayan ito sa dagitab sa katawan ng tao,hayop at mga halaman na siyang dahilan ng patuloy na pagkislot ng mga anyo ng buhay sa bawat selula ng nilalang.Ang kabatiran tungkol dito ay makakatulong nang malaki upang masumpungan ang lunas sa soliraning pangkalusugan ng tao at maging ng lahat ng nasasaklawan ng kapaligiran gaya ng ekolohiya.kung susuriin ang mga kaganapang ukol sa ekolohiya at iba pang agham patungkol sa buhay, ang pagkasira ng kapaligiran ay kaugnay ng pagkasira ng wastong daloy ng mga lakas o enerhiya sa kapaligiran at sa mga tao!Kaya naman, may mga tao na nagsasagawa ng "alternative healing techniques' gamit ang iba't ibang uri ng lakas o energiya!maganda ang hakbangin at adhikain nilang ito, subali't walang pagdidiin tungkol sa pagtataguyod ng malusog na kapaligiran na siyang dapat makatustos sa pangunahing panglunas.Isa itong magiging panawagan sa lahat na suriin ang itinalagang pangangailangan ng kapaligiran at ng mga tao sa tamang antas ng lakas o enerhiya gaya ng maladagitab na balani.Dahil ang lahat ng bagay at nilalang ay nababalot ng enerhiya, ang bawat tunog o mantra ay naglalabas ng lakas na may kaugnayan sa uri ng lakas na ito!Patungo nga ito sa pinagmulan ng lahat na gumawa sa lahat- ang Lumalang! Ang banal na Ngalan niya ay may lakas na muling magsasaayos sa nasalaulang kalagayan ng tao kasunod ng iba pang nilalang.Hindi kaya dapat kilalanin at muling bigkasin siya sa ating bibig,puso at isipan upang magkaroon ng panglunas na maladagitab na balani sa ating lahat at sa ating kapaligiran?