Pumunta sa nilalaman

mahogany

Mula Wiktionary

Tagalog

[baguhin]
Mga dahon ng mahogany

Etimolohiya

[baguhin]

Hiram mula sa salitang Ingles na mahogany.

Pangangalan

[baguhin]

(pambalana)
mahogany

  1. Isang uri ng puno na likas sa Timog Amerika, Gitnang Amerika, at sa mga isla sa Dagat Karibeyo, na tinatanim sa Pilipinas. Swietenia macrophylla ang siyentipikong pangalan nito.
    Huwag ilito ang mahogany sa kalantas kahit na "mahogany" rin ang tawag dito.
  2. Uri ng kahoy na hango mula sa puno ng mahogany.
    Maraming gamit ang mahogany, lalo na sa mga kasangkapang pambahay.
  3. Uri ng kulay na kayumanggi.
    Halos mamula-mula ang mahogany sa paningin.

Mga salin

[baguhin]