Pumunta sa nilalaman

likaw

Mula Wiktionary

LIKAW- isang salita sa kabikulan na may kaugnayan sa salitang LIGAW sa Tagalog.Ang kahulugan ng salitang ito ay malaro o mapanimbang dahil may bahagyang pagbabago sa kahulugan nito batay sa kalagayan ng kaganapan o sitwasyon.Sa direksiyon ang likaw ay nagsasabi ng alternate route o ibang daraanan. Sa pag uugali naman ng tao, ang likaw ay may kaugnayan sa pagtataksil at pandadaya sa kapuwa.Halimbawa nito ay ang pag uugaling Likaw na ang ibig sabihin ay pagbibitiw ng mga salita sa kausap na may iba pang hangarin o balakin maliban pa sa mga sinabi niya.Isa itong batayan upang suriin ng mga tao ang mga uri ng ugaling likaw sa mga nakakaharap at nakakausap niya upang makaiwas sa pandaraya ng iba maging ito sa payak na usapin at maging sa relasyon o pakikipag ugnayan at sa mga pampolitikang gawain.Isang salita na bubuhay sa kamalayan ng bawat Pilipino sa pagsusuri sa maling pag uugali ng ating mga kababayan para sa kaayusan ng lipunan.(iba pang salita na may kaugnayan dito-Liko,Kalikuan,bumaybay,gumilid,Palikero , Sarebod sa Dumaget at iba pa)