Pumunta sa nilalaman

lagnat

Mula Wiktionary

"Lagnat" tumutukoy sa maiinit na lagay ng katawan ng tao dahil sa pagkakaroon ng karamdaman na may kasamang infection o pamamaga ng sugat sa labas o loob ng katawan.Ang lagnat ay hindi lang palatandaan ng pagkakaroon ng sakit kundi masasabing pamamaraan ng katawan upang laban ang nasabing karamdaman.Sa pilipinas, ang pangkaraniwang lagnat ay ginagawaran ng paghigop ng maiinit na inumin o sabaw dahil kapag nagpawis ang tao,lumalabas ang labis na init o singaw na nakakaginhawa sa may karamdaman.Sa mg bata naman, ang pagtapal ng dahon ng santol na pinadaan sa kumulong suka'(vinegar) ay isang mabisang pagpapababa sa matinding lagnat.ang labis at matagal na pagkakalagnat ng tao ay karaniwang sanhi ng kombulsiyon o pagkawala ng malay ng may sakit na tao.Ang malusog na katawan ay may matibay na panlaban o resistensiya sa lagnat,madapuan man nito,madali itong lumipas o humupa dahil kayang kayang ilabas ng katawan ang labis na init nito.