Pumunta sa nilalaman

kulam

Mula Wiktionary

"KULAM" salitang kasingkahulugan ng manggagaway sa banal na kasulatan.Ang salitang ito ay may kaugnayan sa salitang "Kulang" sa dahilang ang taong dinadapuan nito ay may pagkukulang sa pananampalataya sa Dios at may pagkukulang na nagawa sa iba pang tao.May tatlong antas ang kulam, una ang "paraya" ikalawa ay ang "Kulam" at ang ikatlo ay ang "Barang".Ang bawat isa nito ay iba iba ang lakas at naibubunga sa dinapuang tao.Karaniwan ng kinukulam ay may nagawang atraso sa kapwa sa larangan ng pagsasama at sa mga usaping pananalapi na kinahantungan ay dayaan o lamangan,may ilan din naman na ang pinagmulan ay inggitan o pag aagawan ng kalaguyo o kayamanan sa buhay.Ang pagiging tapat sa sarili at sa kapwa ay isang mabuting hakbangin sa pag iwas nito kasunod ng pagdalangin,panalangin at pagbigkas ng mga salitang "Kamalotan,umampulang ka de inapuan mo de tabiang ni makedepat a YeshWa.Eye a Makedepat.(Kasamaan, magbalik ka sa pinagbuhatan mo sa tulong ng Panginoong YeshWa, Siya nawa.)