kita

Mula sa Wiktionary
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Tagalog[baguhin]

Pagbigkas[baguhin]

  • PPA: 'ki.ta (pandiwa, pangngalan, panguri)
  • PPA: ki.'ta (panghalip)

Panghalip[baguhin]

kita

  1. panghalip na panao na ginagamit tuwing ang nagsasalita ay tuwirang nakaharap sa kinakausap; kapalit ng ko ikaw
    Mahal kita.
  2. panghalip na panao na nasa ikalawang panauhan, dalawahang kailanan, at nasa palagyong kaukulan; tayong dalawa; ako at ikaw
    Magkaibigan kita.

Tingnan din[baguhin]


Pandiwa[baguhin]

kita

  1. (tutok sa layon), (makita): madama o mapansin gamit ang mata
    Nakikita mo ba ito?
  2. (tutok sa tagaganap o layon), (kumita, kitain): magkamit; magtubo sa pagpupunyagi o trabaho
    Kumikita ako ng limang daang piso kada araw.

Pangngalan[baguhin]

kita

  1. tubo; perang nakukuha sa trabaho; suweldo
    Maliit lang ang kita ko sa linggong ito.

Panguri[baguhin]

kita

  1. nakikita