Pumunta sa nilalaman

Wiktionary:Pagpapalit-pangalan ng Wiktionary sa Wikisalitaan

Mula Wiktionary

Ang pahinang ito ay para sa iminungkahing pagpapalit-pangalan ng Wiktionary.

Paalala:

  • Kailangan ng panagutan para makaboto.

Paano bumoto:

  • Lumikha ng kuwentang pantagagamit . Hindi aabutin ng 30 segundo ang pagpapatala.
  • Sa ibaba ay ang talaan ng mga nilalaman, piliin ang tumutugon sa inyong boto.
  • Baguhin ang bahaging napili.
  • Lumagda, sa pamamagitan ng paglalagay ng # + space + apat na tilde (~) (kadalasan na matatagpuan ang key na ito sa itaas ng tab key sa inyong keyboard)
  • Mag-iwan ng komento sa usapan kung nais na ipaliwanag ang inyong boto.
  • Maari rin pong magiwan ng pagpuna o tanong para sa boto ng iba sa parehong pahina.

Sumasang-ayon (2)

[baguhin]
  1. -- Felipe Aira 11:30, 25 Nobyembre 2007 (UTC) Nasasaloob sa usapan ang aking paliwanag. At siguro kailangan na nating itong gawin habang maaga pa hindi katulad ng nangyari sa Wikipedia na kung kailan <11,000 na ang mga artikulo ay doon pa lang sinimulang imungkahi ito.
  2. Sang-ayon. Sa palagay ko kailangan na ngang baguhin ang pangalan. Starczamora 01:07, 26 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Hindi Sumasang-ayon (0)

[baguhin]

Sumasang-ayon, sa mga sumusunod na kondisyon (0)

[baguhin]

Hindi boboto (0)

[baguhin]

Ibang pananaw (1)

[baguhin]

Dalawang dahilan:

  • Una, suportado ako sa "Wiksyonaryo". May gawa na itong logo salamat kay Charlito at siya ang unang nagmungkahi na ilipat and Wiktionary sa pangalang iyon. Lalo na, and talasalitaan ay mas makasingkahulugan sa bokabularyo kaysa sa diksyonaryo.
  • Ikalawa, dapat may konsensus sa lahat ng mga manggagamit ng lahat ng proyektong Wikimedia bago mag-lipat nang basta-basta. Dahil wala pa ito, hindi sapat na dito lang maghihiling.

Kung iyan ang kailangan, ipagpapatupad ko ang paglagay nito bilang isyu sa pagtitipon ng mga Wikipedista. --Sky Harbor 20:50, 25 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Ang bagong disenyo -- Felipe Aira 10:11, 14 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Sagot: Sa tingin ko ay hindi natin magagamit ang logong ginawa niya dahil mayroon nang bagong logong ibinibigay ang Meta kapalit ng lumang logo (ang ginagamit natin ngayon). Ginagamit na ito sa Pranses at iba pang wika, hindi ko lamang alam kung bakit hindi pa nila ginagamit ang bagong disenyo. At sa tingin ko ay tamang bokobularyo ang kahulugan ng dictionary. Ang dictionary, mula sa diction (pagpili ng salita), ay nangangahulugang talaan ng mga salita. Kaya sa tingin ko ay tama lamang na "Wikisalitaan". Tanong: mayroon po bang patakarang nagsasabing kailangang imungkahi ito sa lahat? Dahil sa tingin ko ay kung hangad ng pamayanan ng Wikisalitaan (ikaw, ako at si Star) ang pagpapalit-pangalan ay sapat na ito upang magbago. Sa tingin ko rin ay sapat na ang ating boto upang magpalit-pangalan dahil tatlo lamang naman ang aktibo rito. Dalawa na ang sumasang ayon. -- Felipe Aira 10:11, 14 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Interpretasyon (0)

[baguhin]

Matatagpuan ang mga interpretasyon o pananaw sa usapan