Usapan:Unang Pahina

Mula sa Wiktionary
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Suggestions[baguhin]

  • Include an an English version for People who can not understand Tagalog.
  • Make the dictionary link itself more conspicous.--User:Jondel at English wiki.November 2005 (UTC)


Congratulations[baguhin]

  • wuitits whistling through the air* Congrats on this wikitionary to Asartalo and others for initating this project.--Jondel 07:33, 10 November 2005 (UTC)

[baguhin]

The official localisable Wiktionary logo

Hello! It was noted that Wiktionary in this language has not yet adopted a localised/translated logo: it's really a pity for a dictionary project!
We are trying to help Wiktionaries adopt a locally-adapted logo, by taking the technical difficulties on us. What we need from you is just the preferred translation of the name and motto, "Wiktionary" (if translated) and "The free dictionary": you can add them to the logo list, by editing it directly or commenting on the talk page; you can also add a note if you don't want the localised logo.
Of course, you can also create the logo and make the necessary requests on bugzilla yourself, if you prefer so.
Feel free to translate this message and to move/copy/forward it where appropriate; you can also reply on my talk. Thanks, Nemo 16:02, 3 Nobyembre 2012 (UTC)

ku to +200000[baguhin]

Please add Kurdish to +200.000.Thanks-George Animal (makipag-usap) 18:03, 18 Pebrero 2013 (UTC)

I. Pambungad Kung titingnan natin ang buhay ng tao, makikita natin ang iba’t ibang katayuan nito, may pari, madre, mag-asawa, binata, dalaga, may pinag-aralan at wala at ano pa man. Iba’t iba man ang kanilang katayuan sa buhay, iisa pa rin ang kanilang tinutunguhan, ang mamuhay ayon sa kanilang pag-iral. Ang kanilang buhay na tinatahak ay isang pagtugon sa tawag. Naging ganun ang kani-kanilang pag-iral o katayuan sa buhay dahil doon sila tinawag. Kumbaga, namumuhay ang isang tao na ayon sa kanyang katayuan dahil ito ay kanyang nauunawaan. Mahirap yata pumasok sa uring pamumuhay o katayuan sa buhay kung hindi mo ito nauunawaan. Pumapasok ang tao sa isang pamumuhay dahil ito ay kanyang naiitindihan

PAGBULAY-BULAY SA PANAWAGAN SA PAG-IRAL NG TAO[baguhin]

I. Pambungad Kung titingnan natin ang buhay ng tao, makikita natin ang iba’t ibang katayuan nito, may pari, madre, mag-asawa, binata, dalaga, may pinag-aralan at wala at ano pa man. Iba’t iba man ang kanilang katayuan sa buhay, iisa pa rin ang kanilang tinutunguhan, ang mamuhay ayon sa kanilang pag-iral. Ang kanilang buhay na tinatahak ay isang pagtugon sa tawag. Naging ganun ang kani-kanilang pag-iral o katayuan sa buhay dahil doon sila tinawag. Kumbaga, namumuhay ang isang tao na ayon sa kanyang katayuan dahil ito ay kanyang nauunawaan. Mahirap yata pumasok sa uring pamumuhay o katayuan sa buhay kung hindi mo ito nauunawaan. Pumapasok ang tao sa isang pamumuhay dahil ito ay kanyang naiitindihan. Sa katayuan at karanasan ng tao na nakikita ko rin, malinaw na mayroon silang ginagawa dahil nakikita nila ang isang panawagan. Halimbawa, ang pagpasok ko sa loob ng seminaryo. Nagdedesisyon ako na papasok dito dahil naunawaan ko ang buhay dito at sa darating na buhay kung sakaling magiging isang pari. Hindi lamang ako umoo na walang alam kundi sumagot ako dahil may alam ako. Ganun din sa mga taong tumugon sa kanilang katayuan sa buhay. Hindi sila umoo o umaayaw dahil sa wala lang. May pagsagot sila na ginagawa dahil mayroon silang ideya sa isang tumawag o panawagan na kanilang tinugunan. Tinugunan nila ang tawag sa kanilang pag-iral dahil ito ay kanilang nauunawaan. Masasabi natin na naging malinaw sa mga taong tumugon sa panawagan sa buhay dahil ito ay kanilang naiintindihan. At ano itong panawagan na kanilang tinugunan? Ito ang tanong sa aking pagbulay-bulay sa iba’t ibang katayuan ng tao. Tanong na nagdala sa akin na pag-unawa na hindi ko talaga nauunawaan kung bakit may ginagawa at tinugunan ang tao sa kanyang pag-iral. Dahil kung titingnan talaga natin ang buhay ng tao, hindi natin maipagkakaila na ang pag-iral natin ay mayroong tinutunguhan. Tumugon, kumikilos, humahakbang at pumili ang tao kung ano ang kanyang gagawin sa buhay dahil mayroon siyang naiintindihan na tawag. Ang tawag na nakabalot sa hiwaga ng buhay ng tao. Ang panawagan doon sa mismong pag-iral ng tao Kaya makikita natin na mahalaga sa isang taong umiiral na alamin kung ano ba talaga ang panawagan sa ating buhay na dapat kailangan nating tugunan bilang umiiral. Ito ang dapat nating itanong sa ating sarili upang sa ganun, unti-unti nating malaman o masilayan ang direksyon ng ating pag-iral. Dahil ang hindi pag-alam sa ating layunin bilang isang umiiral ay mahahalintulad sa isang taong manlalakbay na hindi alam ang kanyang patutunguhan. Sakay na lang siya ng sakay ng sasakyan na hindi alam ang patutunguhan. Kaya mahalaga pagmuni-munihan kung ano ba talaga ang tawag ng ating buhay. Mahalagang alamin kung ano ba talaga ang layunin ng ating pag-iral dito sa mundong ibabaw. Umiiral na lang ba tayo dito sa mundo na walang tungkulin? Ito ang mga tanong na ipinamulat sa aking pag-iral. Nakita ko na mahalaga itong itanong sa aking sarili, dahil ang pagbulay-bulay sa ating pag-iral ay siyang makapagbibigay sa atin ng direksyon kung paano tayo tutungo sa ating patutunguhan dito sa mundo na punung-puno ng pagmemeron. Ang pag-alam sa ating layunin ay siyang gagabay sa ating pag-iral, kung paano tayo tutungo at tutupad sa ating tungkulin dito sa mundo. Sabi nga ni propesor Michael Aurelio, sa kurso naming ng Modernong Pilosopiya. Ika niya, lahat na umiiral sa mundo ay may dahilan kung bakit sila umiiral. Hindi tayo basta umusbong lamang dito sa mundong ibabaw nang walang dahilan. Umiiral tayo na may kaakibat na tungkulin na dapat nating tupdin at gagawin bilang umiiral. Tungkuling tumugon doon sa mismong tawag ng ating pag-iral. Kaya sa papel na ito gagamit ako ng salitang Katotohanan na tinuturi kong katumbas bilang Diyos na tumawag sa tao. Katotohanan na siyang palaging hinahahanap ng tao. Katotohanan na siyang tugatog at pinagmulan nang lahat. Ika nga ni San Anselmo “…ang Diyos ay Iyong nakahihigit sa lahat.” (id quod summum omnium est) Ito iyong Katotohanan na siyang makapupuno sa kakulangan at kahungkagan ng tao. Paminsan-minsan gagamitin ko itong salita bilang paraan ko sa aking paglalahad kung paano tinatawag ang tao patungo sa Diyos na siya ang bukal na pinanggagalingan nang lahat. Kaya sa paghahanap at pagtugon ng tao sa tawag ng Katotohanan ay darating sa punto na ang kanyang pasisikap gamit ang kanyang limitadong kakayahan ay ipapaubaya na lamang doon sa kanyang hinahanap na tumawag sa kanya. Sa sobrang yaman ng Katotohanan hindi maabot-abot ng limitadong isip at kakayahan ng tao. Hindi kaya ng tao na saklawin ang Diyos dahil siya nga ang nakahihigit sa anumang magagawa at ma-iisip ng tao. Kaya malinaw na sa taong nagnanais masilayan ang Katotohanan na tumugon. Tumugon na may pagpapaubaya. Pagpapaubayang may lubos na pag-uunawa. Pag-uunawa na kung saan ang taong tumugon ay handang tumanggap sa anumang maaring mangyari habang siya’y patuloy nagsumikap na tumugon sa isang panawagan. Kaya napakahalagang gawain ng isang tumugon ang umuwi doon sa tumawag. Sapagkat, ang pagtugon ay walang katapusan, bagkus may isang inuuwian at may pagsuko ng sarili para sa buong kaganapan at walang iba kundi sa tahanan ng tumawag. Kaya darating sa punto na kailangang tumigil sumandali, manahan at sumuko at tingnan uli ang limitadong kakayahan ng sarili. II. Tawag sa Pag-iral ng Buhay Bilang tao, tayo ay bahagi sa mundo. Kaya naman kung tayo ay bahagi dito sa mundo, dapat tayo mamuhay ayon sa ating layunin bilang taong umiiral, mamuhay na gumagawa. Gumagawa ayon sa pamumuhay na kilos pantao. Ito ang tawag na hindi natin maipagkaila. Lahat tayo ay tinatawag na mamuhay ayon sa ating likas na pagkatao. Hindi natin ito maaring itanggi. Ang panawagan ay nasa tao na. Kung ito ay nasa tao, dapat lang ito ay dinggin at tupdin. Dapat ito ang makikita sa ating mismong pag-iral. Dapat ang likas na nasa sa atin ang makikita. Kaya maari nating sabihin na tungkulin ng tao na tupdin kung anoman ang katayuan sa kanyang pag-iral. Tungkulin ng tao na gampanan ang panawagan na tumugon sa likas na nasa kanya. Bagama’t iba’t iba ang tawag ng tao, iisa pa rin ang kanyang tinugunan na panawagan. Ang panawagan na subukan alamin kung para saan ang buhay ng tao. Ang panawagan na alamin ang layunin ng buhay ng tao. Ito ang katotohanan na hindi natin maaring itago o hindi pag-usapan. Dahil hindi lang tayo lumitaw dito sa mundo na walang dahilan. Umiiral tayo dito sa mundo na may kaakibat na tungkulin at gawain. Tungkulin na tupdin at tugunan ang ating pag-iral na subukang tingnan at danasin ang tawag at katayuan ng tao. Kaya masasabi din natin na ang ating buhay bilang taong umiiral ay isang paglalakbay tungo sa pagkikilala at pagsulyap sa katotohanan na palaging gumawa ng paraan upang siya ay madaling makita at matagpuan ng tao. Dahil kung ating, pagmuni-munihan, titingnan at bubusisiin ang iba’t ibang katayuan ng tao dito sa mundo, makikita natin ang iba’t iba ring paraan ng pagbuhay ng tao sa kanilang mga buhay. Makikita natin sa karamihan ng maraming tao na hindi tumupad o tumugon sa kanilang katayuan sa buhay. Hindi natin maipagkaila na maraming mga tao na hindi gumagawa sa kani-kanilang tungkulin sa buhay. Bagkus, gumagawa sila ng mga hakbang na hindi angkop sa kanilang tungkulin. Mga bagay-bagay na nakasira sa kanilang pag-iral. Ang nangyari ay hindi tuloy nasisilayan at nakita ang Katotohanan. Kung ating susuriin talaga nang mabuti, ang buhay natin ay isang paglalakbay tungo sa pagkilala at pagsulyap sa Katotohanan. Umiiral ang tao dito sa mundo upang makikilala at masilayan ang tumawag at naglikha sa kanya. Kaya tanging ang pag-alam natin sa Katotohanan ang magbigay sa atin ng direksyon ngunit nanatili pa rin ang ating kalayaan sa paggamit at pagtupad nito. Kumbaga, itong Katotohanan ang naggagabay o nagbibigay ng tanda o ilaw na sumisinag upang gagabay sa ating paglalakbay tungo sa pag-alam at pagkikilala sa Katotohanan. Kung alam lamang ng tao ang kayang pag-iral tiyak na magampanan niya ang kanyang katayuan sa buhay. Ang naging dahilan kung bakit kadalasan sa karamihang tao hindi nagawa o natupad ang kanilang tungkulin sa buhay dahil sa kamang-mangan na makita ang pagkalimitadong taglay natin. Sa pag-iisip ng tao na magagawa ang lahat-lahat gamit ang kanilang galing at kakayahan ang naging sanhi sa kawalan ng pagkakontento at kaligayahan sa mismong buhay. Sa madaling sabi, ang hindi pagpansin o pag-alam ng tao sa kanyang hangganan ay siyang naging dahilan sa hindi pagtupad ng kanyang pag-iral. Lumalayo tuloy ang pakikitungo ng tao sa kangyang tungkulin bilang umiiral na dapat sana niyang gampanan dito sa mundong ibabaw. III. Ang Tao at Mundo Dito sa mundo, hindi natin maipagkaila na nakikita at nararanasan natin ang punong-puno na yaman ng pag-iiral. Marami ding ibang ilaw na umiilaw at sumisinag na nagpapaakit din sa pag-iral ng tao. Ang ilaw na lumiliwanag na kapangyarihan, kayamanan, katanyagan, kasarapan at ang pagnanais na palaging magtagumpay ang buhay na naging sanhi sa paglayo ng tao na masilayan niya ang katotohanan. Sa madaling salita, itong mga ilaw na lumalagablab na mapanlinglang na nagpapaakit sa tao ang siyang naging dahilan kung bakit hindi nakikita at nasulyapan ang tunay na nagpapaakit, nagpaparamdam at nagpapakita sa atin. Dahil kung titingnan natin ang buhay ng tao dito sa mundo, masasabi natin na may pagtanggap at pag-ayaw na nangyayari na naging dahilan sa hindi pagtupad ng pag-iral ng buhay ng tao na makontento at lumigaya kung ano ang kanyang kinalalagyan. Kadalasan kapag ang isang tao ay mahirap at nakaranas siya ng buhay ng mayaman, mayroon pagka-gusto na nangyayari. Hindi maiiwasan na naiisin ng mahirap ang pagiging mayaman. Talagang gugustuhin niyang maranasan palagi ang buhay ng mayaman. Hindi ko tuloy malilimutan ang aking karanasan noong una kong nakapasok ng isang napakagandang bahay na nagkakahalaga lamang na tatlongpung milyon na sabi ng kasama kong pari. Napakaganda talaga ang bahay. Hindi ko mailarawan ang kagandahan nito. Nangyari ito noong nakasama ako ng aming pari na nagmimisa. Nang kami ay kumain, masasarap na pagkain ang inihain sa amin. Makikita mo sa loob ng bahay ang mga sari-saring mamahaling kagamitan. Para sa akin wala nang kulang doon sa bahay. Wala ka talagang masabi. Kaya ako bilang lumaki mula sa pamilyang mahirap nariyan ang pagnanais ko na palaging kong maranasan ang ganoong buhay na nakikita ko sa buhay ng mga mayayaman. Gusto kong ulit-ulitin ang ganoong karanasan. Sa kalooban ko sinasabi ko sa aking sarili, sana ganun din ang buhay ng aking pamilya. Sa karanasang ito, masasabi ko na mayroong talagang pagnanais na nangyayari sa kaloob-looban ng isang mahirap na danasin palagi ang buhay maginhawa. Ganoon din sa buhay ng mga mayayaman. Bagama’t nasa kanila na ang kanilang pangangailangan sa buhay mayroon pa rin silang ibang paghahangad na gusto nilang makamtan, pananabik na gusto nilang punuin ang kanilang sarili. Maraming mga mayayaman na sa kabila ng kanilang limpak-limpak na pera, mga pag-aari, at mga mamahaling kagamitan, hindi pa rin nila nararanasan ang pagkakontento at kaligayahan sa buhay. Patuloy pa rin nilang ninanais na maging mayaman sa lahat na pinakamayaman sa mundo, maging sikat sa lahat na mga tanyag na tao, maging makapangyarihan sa lahat ng mga tao. Ang mga katulad ng mga ganito ang katangian na nasa buhay ng maraming mayayaman. Naalala ko tuloy ang kwento ng aking kapatid noong siya pa ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya. Kinikwento niya kung gaano ka yaman ang kanyang amo. Sabi niya na ang kayang amo ay napakayaman. Halus sa isang linggo ang kanilang kompanya ay kikita ng limang milyon piso dahil sa sobrang lakas ng kanilang negosyo. Subalit, sabi ng kapatid ko, ang kanilang buhay ay walang kaligayahan at pagkakontento. Bawat isa sa kanilang pamilya ay hindi nagkakaintindihan at hindi nagkakasundo. Walang pagmamahal ang nakikita sa kanilang pamilya sa kabila ng kanilang kayamanan. Pag-uwi nila sa kanilang bahay palaging may alitan at away na nangyayari. Halus bawat isa sa kanilang pamilya ay nakatuon sa kanilang negosyo na inaakala nila, na ang kanilang negosyo ang makapagpaligaya sa kanila. Ngunit, kabaliktaran ang nangyayari. Ang kanilang pagnanais na yumaman ang siyang nagbigay pa ng kaguluhan sa kanilang pamilya. Sa kabila ng kanilang kayamanan hindi nila naranasan ang ganap na kaligayahan at pagkakontento sa buhay. Kaya sa kwento ng aking kapatid, aking nakikita at napagnilay-nilayan na tunay nga na kapag inilagay natin ang ating sarili sa mga bagay na iniisip natin na makapagpapaligaya sa atin ay hindi talaga mahahanap ang ganap na kaligayahan na ating hinahangad. Bagkus, ito pa ang magdadala sa atin ng kaguluhan at kawalan ng kaligayahan. Para bagang ang paghanap natin sa kaligayahan ang siyang humihiwalay sa kaligayahan na atin sanang ninanais. Kaya mahirap talaga makita o makamtan ang tunay na kaligayahan dahil na diyan palagi sa tao ang patuloy na walang hanggang pagnanais at pananabik na makamtan ang lahat-lahat na pangangailangan sa buhay. Madalas ito ang nakikita natin sa karamihan na mga tao. Imbes na doon tumugon sa tawag ng ating pag-iral at pagsulyap sa Katotohanan na nagpapaakit at nagpapakita sa tao, ngunit kabaliktaran ang karamihang ginagawa ng tao. Madaling nahuhulog ang tao sa sari-saring paghahangad at pananabik sa mga bagay na iniisip niya na makapupuno sa kanyang kahungkagan. Ito ang palaging nasa sa isip ng karamihang umiiral na tao. Ito ang kahinaan na palaging bumabagabag, humahadlang sa kanyang tawag doon sa panawagan na magpakontento, lumigaya sa mismong buhay. Dito makikita at masusuri natin na ang mundo ay hindi makapupuno sa kakulangan ng tao. Kahit gaano katindi, katibay ang pagsisikap ng tao na makamtan at mahanap ang tunay at ganap na kaligayahan ay hindi pa rin ito makikita at mahahanap. Kahit gaano kagaling ang kanyang paghahanap sa pagkakakontento sa buhay, hindi pa rin ito niya masisilayan. Kahit na gaano natin ibuhos ang ating lakas at oras at iba pang mga pamaraan ay hindi pa rin natin mahahanap ang tunay, ganap na kaligayahan dahil hindi matatapos ang pagnanais ng tao. Nanatili pa rin ang walang hintong pananabik sa tawag ng ating pag-iral. Ito din ang sinabi ni Dr. Manuel Dy, sa kurso namin ng Kanluraning Pilosopiya. Ika niya, ang paraan para matagpuan ang kaligayahan ay ang hindi paghahanap ng kaligayahan. Tila ito rin ang nararanasan ni San Agustin. Hinahanap niya ang kaligayahan na iniisip niya na makapupuno sa kanyang kahungkagan. Hanggang sa kanyang paghahanap, natauhan siya na kahit gaano kayaman ang pinapakita at pinaakit ng mundo sa tao, hindi pa rin ito makapupuno sa kakulangan ng ating pag-iral. Naranasan niya ang patuloy na pananabik na mapunan ang tawag sa kanyang sarili. IV. Masisilayan ang Katotohanan Sa karanasan ng pakikitungo ng tao sa mundo, na nakikita ko rin, masasabi ko na hindi talaga sapat na ang tao ay sa mundo lamang tututok o tutugon. Hindi sapat ang tumugon sa tawag ng mundo para punan ang kakulangan ng tao. Hindi sapat pero halos ganito ang aking napagbulay-bulayan kung paano ang tao tumutungo sa kanyang pag-iral dito sa mundong ibabaw. Gustong makamit agad-agad ang mga ninanais at hinahangad ng tao gamit ang kayang limitasyon. Inaakala ng karamihang tao na madaling makamit at matagpuan ang iniisip niyang katotohanan na nakikita sa mundo. Para bagang ang mga bagay-bagay na ninanais at hinahangad ng tao sa mundo ay tinuturi niyang katotohanan na iniisip niyang makapupuno at makapagpaligaya sa kanyang pag-iral. Ngunit, sa aking pagmuni-muni gamit ang purong isip, nakikita ko na sa karanasan ng tao masasabi ko na hindi sa ganitong paraan masisilayan at matagpuan ang Katotohan na siyang makapagpaligaya sa tao. Hindi sapat ang pakikitungo ng tao sa mundo dahil tigib sa yaman ang mundo at hindi kayang masaklaw at makuha sa limitasyong taglay ng tao. Palaging kapus ang kakayahan ng tao. Kaya para sa akin ang pagtugon o pakikitungo sa tawag ng katotohanan ay hindi basta-basta makukuha sa isang sulyap lamang. Sa madaling sabi, naging pakipot at nagpapahirap ang Katotohan sa mga nagnais dumanas at tumugon sa kasaganahan nito. Subalit, nagpapahirap man ito’y nagpapaaninag, nag-aanyaya at nagpapakita pa rin. Isang sumusinag at sabay naglalaho kung kaya kailangan ang masusing pag-aantabay sa katotohanan. Kailangan na ang isang pagkagusto sa kamangha-manghang kagandahang ipinapakita ng katotohanan na kahit kailan hindi kayang iwasan naisin at pangarapin ang kasaganahang taglay nito. Sa paghahangad na makamit ang kagandahang ipinapakita ng katotohanan ay hindi sapat sa isang tao o namimilosopiya ang mamangha na lamang sa kanyang nakikita. Samakatuwid, hindi niya nanaisin na hanggang sa mismong sarili niya na lamang maglaro ang karanasang ipinadanas at ipinapakita ng katotohanan sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Kaya masasabi ko na dapat na nariyan palagi ang pagkamangha, pag-alam at pagkilos ng tao sa pinapakita ng katotohanan. Katotohanang pinagmulan ng lahat ng mga bagay na umiiral dito sa mundo. Dito makikita natin na nasa pag-alam ng tao nakasalalay ang pagtugon sa tawag ng kanyang pag-iral. Kung alam ng isang tao ang kanyang pag-iral, tiyak na matutugunan niya ang kanyang tawag bilang isang umiiral na may hangganan. Dahil ang pag-alam sa tawag ang siyang magdadala sa kanya tungo doon sa hinahangad na kaligayahan. Kaya mahalaga din sa isang tao na malaman kung ano ba talaga ang layunin ng kanyang pag-iral. Kung makita ng isang tao ang kanyang layunin sa buhay, unti-unti niyang malalaman ang hangganan ng kanyang pag-iral. Mahalaga ito upang makatiyak siya na ang tawag sa kanyang pag-iral dito sa mundo ay hindi lang talaga nanatili hanggang dito. Mayroon pang tawag, na lagpas pa na dapat niyang makita, maranasan at unti-unting tupdin at gawin. Ito ang napakahalagang tungkulin ng tao na dapat sana niyang makita upang sa ganun ay mamulat siya na ito ang layunin na dapat niyang maiisasagawa dito sa mundo. Ang panawagan na mamuhay ayon sa tawag ng kanyang pag-iral. Na umiiral na may ginagawa. Umiiral na may pagpapakita na ang ating pag-iral ay hindi lang hanggang dito sa mundo. May lagpas na dapat angkinin at makita ng tao, upang sa ganun ay matutupad niya ang tawag doon sa isang panawagan. V. Buong Sariling Pagpapaubaya Kaya ang buong sarili ang batayan ng taong namimilosopiya. Isang buong sarili na handang gumalaw sa kung ano ang mga hamon na makapagbabago at makapagtuturo sa mismong buhay. Buong sarili na handang lumundag sa pagkabalisa sa kanyang mga karanasan. Dahil ang pagtugon sa tawag ng pag-iral ng tao ay hindi madali. Kailangan ang buong sarili ang siyang makatuklas kung papaano tutungo doon sa ninanais na Katotohanan. Buong sariling handang pagsasabuhay sa ipinapaakit ng Katotohanan. Subalit, ang paglundag na ito ay hindi madali sa taong namimilosopiya. Hindi madali para sa tao ang tumawid sa kabilang ibayo ng aking mundo na walang kalakasan na maaring panangga sa anumang kasawiang nakaantabay. Hindi madali sa isang tao ang baguhin ang kanyang nakakaugaliang pamamaraan sa paghahanap sa katotohanan. Walang sapat at matibay na pundasyon na maaring paglagyan ng aking sarili sa oras nang pagharap sa Katotohanan. Isang takot at panginginig sa aking kalooban ang sumalubong sa akin. Takot na sa sobrang lawak ng mundo ng pilosopiya ay magiging tingting na lamang ang aking sarili sa harap ng Katotohanang umaakit at tumawag sa akin. Kung kaya’t mainam na sa taong nagnanais na mamilosopiya ang tumugon. Sapagkat, ito rin ang aking pananaw at husga; pag-tugon ang nakikita ng bawat namimilosopiya. Kung tutuusin, ang bawat galaw ng taong namimilosopiya ay umuugat at nakaugat sa mismong mga ninanais nito. Ang pagnanais na masilayan ang Katotohanan na siyang hinahangad ng tao. At ang pagkamit sa mithiing ito ay nakasalalay sa lakas-loob ng taong kumilos at tumugon. Sapagkat, ang tumugon ay isang galaw ng buong sarili na may pagpapaubaya. Pagpapaubayang may lubos na pag-unawa. Lubos na pag-unawa na kung saan alam mo at tanggap mo ang bawat kakayahan ng sarili. Ito’y isang hamon lamang ng pilosopiya sa isang taong namimilosopiya na handang sumagot habang patuloy na tumutugon sa kagandahang ipinapakita ng Katotohanan. Ang tumugon sa tawag sabay pag-iipon ng tapang at pagbuo sa sarili para sa pagharap sa malaking hamon na nakaantabay. VI. Pangwakas Kaya ang Pilosopiya ay paanyaya sa katotohanan. Katotohanan ng buhay. Sa buhay na nagnanais ng kaligayahan habang umiiral. Buhay na patuloy na umaalam sa pag-iral ng buhay. Pero hindi ganito ang pilosopiya. Hindi masasagot ng pilosopiya ang tanong na, ano ba ang tawag? Ngunit, sa tanong na paano ba tutugon? Katulad ng isang panawagan, hindi sapat ang tumugon, humarap at pag-iipon ng lakas para sa inaasam na malaman kung ano ang nandoon. Bagkus, ito’y patuloy na pagtugon doon sa ninanais. Isang pagsasabuhay patungo sa hinaharap. Ganito ang pilosopiya. Hindi sapat sa namimilosopiya ang pag-aralan lamang ang teksto at mamangha sa naggagandahang ideya ng mga pilosopo. Walang ibang ipinabatid sa akin ang pamimilosopiya kundi ang pagsasabuhay sa kung ano ang mga karanasang tumalab sa aking kaloob-looban. Isang pagtanggap nang buo, doon sa inaasam na maaring mangyari habang nasa kalagitnaan ng pagtugon at paghahanap ng kaligayahan at pagkakontento sa buhay. Isang pagtugon na walang katapusan. Walang katapusan, sapagkat ang bawat paghahanap at pagtugon nito ay parating nasa bungad ng Katotohanang inaasam. Isang pagtanggap ang bawat tugon ng isang tao na nasa bungad ng kalaliman ng Katotohanan. Pagtanggap doon sa mga namuong ugnayan sa gitna ng pagdanas sa panawagan ng Katotohanan. Kaya ang taong tumugon at namimilosopiya ay parehong nakatali sa isang ilaw na nagpapaliwanag sa muling pagbangon ng tao mula sa kawalan, mula sa kanyang pagkalimitado. Ito ang naging malinaw sa taong tumugon. Subalit, isang katotohanan pa rin ang nakabalot sa taong tumugon; ang katotohanang walang kasiguraduhan hanggang sa huli dahil sa Diyos lamang nakahawak ang mga taong nagsusubok tumugon sa tawag ng Katotohanan. Kaya napakahalagang gawain ng isang taong tumugon ang umuwi doon sa tumawag. Darating talaga sa punto na ang isang tao ay makitagpo sa Diyos tuwing ito’y naghahanap ng kapanatagan at pag-unawa. Masasabi natin talaga na ang panawagan ay walang katapusan, bagkus may isang inuuwian at may pagsuko ng sarili para sa buong kaganapan at walang iba kundi sa tahanan ng tumawag sa kanya. Isang katotohanan ang pinatunayan sa akin ng pamimilosopiya, ang katotohanang pagsuko at pag-uwi sa mismong tahanan na nakapagbibigay kagalakan sa buhay ng tao. Darating sa punto na habang patuloy na tumutugon ang tao siya rin ay susuko at uuwi sa pinanggalingan. Ika nga ni San Agustin, “linikha mo kami upang sa iyo ri’y makauwi, at hindi mapalagay ang aming puso hangga’t hindi namamahinga sa iyo.” Isang pag-amin sa kahinaan ng tao at sabay pag-ako na may mas nakakahigit sa lahat ng bagay na umiiral. Isang pag-uwi sa tahanan na magbigay ng kapayapaan, ganap na kaligayahan sa taong titira nito. Mapapalagay lamang ang pusong punong-puno ng pananabik na makontento kung uuwi lamang sa mismong tahanang inaasahang makapagpupuno sa lahat ng inaasam. Mapapahinga lamang ang kalooban kung uuwi doon sa mismong nagbigay ng buhay sa lahat. Sa katapusan hahantong ang paghahagilap at pagtugon ng tao sa panawagan sa pag-amin ng sarili. Isang pag-amin sa sarili na ang lahat ay hindi kayang alamin ng isipan ng tao. Ika nga ni Santo Tomas, “hindi kayang alamin ng tao ang Diyos, napakalawak upang masakop at napakataas upang maabot ang kakayahang umalam ng isip ng tao. Gayon pa man sinabi din niya na ang isip ayon sa likas na kakayahan nito ay maiipahayag ang ukol sa Diyos.” Kaya ang lahat lamang na makayang gawin ng tao ay uuwi sa pag-amin na sa Diyos ang lahat. Kaya bilang isang mag-aaral ng pilosopiya aking nalaman at natanaw ang isang yugto ng aking pag-uunawa at pagkatuto sa pamimilosopiya na isa itong panawagan sa bawat taong umiiral. Tinawag tayo na alamin ang layunin ng ating buhay. At ang pagsasaliksik nitong mismong buhay na ipinagkaloob. Sabi nga ni Sokrates, “ang buhay na hindi sinasaliksik ay hindi buhay tao.” Para sa akin, ang pagsasaliksik at pag-alam sa buhay at ang pagtugon nito ay siyang napakalaking hamon sa akin. Dahil ang paghahanap sa katotohanan ang siyang magpapalaya sa sarili sa likod ng mga misteryo at hiwagang nakabalot sa buhay ng tao. Kaya ang tawag ng tao na makilala ang katotohanan ang siyang napakalaking hamon sa kanyang pag-iral. Ang hamon na makikilala at masilayan ang katotohanan upang ang tao ay mamuhay ayon sa kanyang tungkulin at tawag. Ito ang hamon sa akin ng aking pagtatapos sa nakakamanghang mundo ng Pilosopiya. Ang hamon kung paano ko ito tutugunan at paano ako maging tapat sa aking natutunan. Ang hamon nang pagsimulang isabuhay ng dahan-dahan ang aking napag-aralan at aking pinaniniwalaang katotohanang iminulat sa akin ng isang panawagan.