Tagalog
Itsura
Tagalog
[baguhin]Pangngalan
[baguhin]Tagalog (Baybayin ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔) ( nabibilang at di nabibilang)
- Isang katutubong wika sa Pilipinas na pangunahing sinasalita sa gitna at timog na bahagi ng Luzon: Wikang-Tao
- Ang Tagalog ay isa sa mga batayan ng wikang Filipino.
- Kasapi ng isang katutubong pangkat etniko sa Pilipinas na pangunahing naninirahan sa gitna at timog na bahagi ng Luzon:
- Ang alamat ng "Mariang Makiling" ay isa sa pinakatanyag na kwento sa lipi ng mga Tagalog.
Pang-uri
[baguhin]Tagalog (Baybayin ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔)
- Tungkol sa o may kaugnayan sa wikang Tagalog.
- Ang tanaga ay isang uri ng tulang Tagalog na may apat na taludtod at pitong pantig bawat taludtod.
- Tungkol sa o may kaugnayan sa mga mamamayang Tagalog o kanilang kalinangan.
- Ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan, na kilala bilang "bayanihan," ay likas sa kalinangang Tagalog.