Pasunod
""Pasunod"" Ang salitang Tagalog na tumutukoy sa nilalaman ng pag iisip at uri ng adhikain ng isang Tao.Ang paghubog sa mabuting kaisipan ay siyang nagsasabi kung anong pasunod mayroon ang isang tao.Gayon din naman ang mga nabibilang sa masasama.Sa makatuwid ,kung mabuti ang pagkakahubog ng isang tao ,mabuti rin ang pasunod niya at kung masama ay masasama nga ang alam na pasunod nya/nila.Ang salitang ito ay katumbas ng salitang "Disiplina".Bilang paglilinaw, ang pasunod o disiplina ay ang paghubog ng tao na gumawa ng mabuti o masama at kinakailangang ang mga tao ay magkaroon ng saligan ng aral na magbibigay ng mabuting pasunod sa kanila at mahalaga rin upang maiwaksi ang anomang kasamaan na pinagmumulan ng masamang pag uugali at ng maraming alitan.Ang Demokrasya ay isang patakaran na bigyang laya ang mga tao na magtatag ng kabutihan at gumawa ng kabutihan sa sarili at sa bayan,samantala ang Komunismo ay ideolohioya na naghihigpit sa mga tao upang sundin ang patakaran nila kahit labag sa karaniwang patakarang pantao at sa batas ng Kinilalang(Opisyal) Pamahalaan.Dito makikita na kung ang kaisipan at aral na inilagay sa isang pamayanan ay madaya, masama rin ang magiging kahihinatnan sa bandang huli.Kung ang Pasunod ay mula sa Maykapal, mabuti ang magiging bunga! Kung ang Pasunod ay sa kaisipan ng Demonyo o mapaglinlang, tiyak kapahamakan ang kakahantungan ng mga nagsisunod sa gayong patakaran.Kaya dapat suriin at kilatisin mabuti kung ano ang Patakaran ang naririnig at nakikita sa kapaligiran upang magtamo ang nakakarami ng maganda at mabuting Pasunod at maiwaksi ang kaispan ng kasamaan at mapaglinlang.