Pumunta sa nilalaman

Kawi

Mula Wiktionary

"KAWI" isang matandang salita o uri ng pagbigkas ng mga salita sa Timog Silangang asya. Ang katawagang ito ay nagpapakilala ng paraan ng pagbigkas ng mga salitang kasalukuyang nahuhubog bunga ng pagsasanib ng mga katutubong pagbasa at ng dayong salita gaya ng lumang devanagari o sanskrito.Sa kapuluang Pilipinas, ang Kawi ay nagkaroon ng maraming anyo na ang naging batayan ay ang paraan ng pagbasa o paggamit nito.Sa Tagalog, ang Kawi ay maaring kabit kabit na may anyong kawing kawing sa pangungusap sa timug katagalugan, maaari din itong pinag mulan ng mga salitang Wika=Vika, Bigkas=vika, Bika= Vika.Ang paghalili ng panulat baybayin sa kawi sa palibot ng ika-10 siglo A.D. ay nagbigay dahilan upang malikha ang iba pang salita sa Tagalog.Ang baybayin ay binasa nang paurong na marahil siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng marami pang anyo ng salita mula sa iilang salitang ugat ng Kawi.Sa Indones at Malaya at maging sa Indiya, ang Kawi ay siyang pinagmulan ng Bahasa Indones at Malaya, Bhasa Devanagari na kapag isinalin sa Tagalog ay "Pagbasa o pagbigkas" na nagpapakita ng pagkakaroon ng kaugnayan ng mga pinagmulan ng mga salitang Ito.