Diyos

Mula Wiktionary
Jump to navigation Jump to search

"Diyos" ang pinaka mataas na Persona sa daigdig na ito. Nagmula sa salitang Ellinika na "Theos" at Latino na "Theo" na nagsasabi ng patungkol sa isang Banal na Persona na walang katulad dahil sa katayuan nito na pinakamataas, maalam at may kabatiran sa lahat. Sa Tagalog at mga kapatid na pagbigkas nito, ang Diyos ay siyang Maykapal at Sansinukob na ang kahulugan ay siyang nakakasaklaw sa lahat dahil Siya ang may lalang ng mga ito. Ang tunay na Diyos ay banal na kapag ihinambing sa diyus-diyosan na salat sa katangian sa Kabanalan at katuwiran at katotohanan ay mapupuna ang malaking kaibahan. Maraming relihiyon ay may diyus-diyosan na taliwas sa tunay na Diyos na siyang Banal at walang katulad sa lahat dahil sa pambihira at nakakataas na mga katangian Niya sa lahat. Gampanin ng lahat ng tao sa lahat ng panig sa daigdig na kilalanin ang tunay at banal na Diyos. Isa sa iniutos Niya na kilalanin ng bawat tao ang Bugtong na Anak ng Diyos upang magtamo ang bawat manalig sa Kaniya ng katubusan at kaligtasan (Juan 1:12). Isang pangalan ang ihinayag sa silong ng langit upang maligtas ang lahat ng tao (Gawa 4:12) at ito ang pangalang Yeshua o tanyag sa ngalang Jesus Christ sa Ingles o Jesu-Cristo sa wikang Tagalog.

Tagalog[baguhin]

Etimolohiya[baguhin]

Mula sa Espanyol na Dios.

Mga baybay[baguhin]