Pumunta sa nilalaman

unawa

Mula Wiktionary

"UNAWA" salita sa Tagalog na ang kabatiran ay hindi lang sa pangungusap kundi umabot sa antas ng kamalayan tungkol sa mga kapahayagang pang espirituwal .Ang mahinang salin nito na "intindi" buhat sa espaniol ay pangkaraniwang gamit sa kasalukuyang Tagalog na may patungkol sa karaniwan at lihim o tagong mga pahiwatig ng mga pangungusap.Pansinin ang mga sumusunod na pangungusap gamit ang salitang "unawa' at "intindi". a.) Ang pagkaunawa sa salita ng Dios ay nangangailangan ng buong pagtitiwala sa kaniya.Kapag may kahinaan ang pananalig sa Dios, magkakaroon ng hindi malinaw na pangunawa sa kaniyang mga kapahayagan kahit naiintindihan ang mga salita sa mga pangungusap nito. b.)Sa ating pakikisalamuha sa iba't ibang uri ng mga tao, mahalaga na maunawaan natin ang mga kahulugan ng mga kilos at pamamaraan ng mga pananalita nila upang matukoy natin kung sa kabutihan o kasamaan ba sila.Hindi nga sapat na maintindihan natin ang mga salita nila kundi maunawaan ang kabuoan ng paglapit nila sa atin. k.) Nang magkaroon ng paligsahan sa pagitan ni propeta elias at mga bulaang propeta ni baal, may pagkakaintindi ang mga israelita na may dios kapwa ang nagsusubukang ito, subali't nang bigyan ng tugon ng Banal na Dios ang kahilingan ni elias, duon naunawaan ng mga tagapagmasid na ang tunay na Dios ay siyang Dios na tinatawagan ni propeta elias!