Tagagamit:Icqgirl
Mas madalas akong mag-edit sa Wiksiyonaryong Ingles. Tingin ko na dahil mas maraming pumupunta doon, mas mainam na unahin iyon; doon na rin kasi magmumula ang mga salin patungong mga ibang wika ng Wiksiyonaryo. Saka kulang din ang Tagalog doon; mas kumpleto pa nga sa Wiksyonaryong Pranses. Natutuwa rin ako na nag-eedit ang mga banyaga doon ng sa mga wika ng Pilipinas. Masaya kapag may nagtatanong kung paano gamitin ang mga salita, pakiramdam ko na ang suwerte kong naging Pinoy ako.
'Di naman ibig sabihin na dinidisyerto ko ang tl.wikt. Pareho naman ang layunin nating ipalaganap ang wikang Tagalog, iba nga lang ang pamamaraan. Dadaan naman ako dito paminsan-minsan, at kapag naging sapat na ang sa en.wikt ay dito naman ako susunod na tutulong.