Pumunta sa nilalaman

Apendise:Glosaryo

Mula Wiksiyonaryo

Ito ay ang glosaryo ng mga salitang pambalarila na ginagamit sa katawan ng diksiyonaryong ito.

Simbolo

[baguhin]
b
Tignan ang pambabae.
bahagi ng pananalita, BNP, BnP (Ingles: part of speech)
Ang kategorya kung saan nabibilang ang isang salita, na naaayon sa kung paano ito nagagamit bilang parte ng parirala at pangungusap. Halimbawa ang pangngalan, pang-uri, at pandiwa. Maaaring marami ang bahagi ng pananalita ng isang salita: Ang Ingles na this ay parehong pantukoy at panghalip, habang ang coat ay parehong pangngalan at pandiwa.
bl
Tignan ang pambalaki.
BNP, BnP
Tignan ang bahagi ng pananalita.
l
Tignan ang panlalaki.
maramihan, maramihang bilang (Ingles: plural)
Isang pambalarilang bilang na nagpapakita ng maraming aytem o indibidwal. Sinasalungat ito ng isahan ang karamihan ng mga wika, habang ang maramihan ay nagpapakita ng dalawa o higit pa. May dalawahan o pati tatluhan ang iba pang wika; kung gayon ay pinapakita ng maramihan ang mas mataas na bilang.
pambabae, b (Ingles: feminine)
salitang kinabibilangan sa kasariang pambabae, na kadalasang sinasalungat ng kasariang panlalaki, at pati ang kasariang pambalaki.
pambalaki, bl (Ingles: neuter)
Sa kasariang pambalaki: anyong hindi panlalaki o pambabae; o anyong hindi sa kasariang karaniwan.
panlalaki, l (Ingles: masculine)
Nabibilang sa pambalarilang kasariang panlalaki, sa mga wika na may pagkakaiba sa kasarian.


Sanggunian

[baguhin]