ani

Mula sa Wiktionary
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Flag of the Philippines.svg Tagalog[baguhin]

Etimolohiya[baguhin]

Katutubong Tagalog.Ang salitang ani ay maaring tumukoy sa sinabi gaya ng - aniya may paparating na panauhin. maaring tumukoy din sa puputihingbunga ng halaman- gaya nang sa - maganda ang ani ng palay dahil sa maayos na lakad ng panahon.

Pangngalan[baguhin]

(pambalana, tahas)
ani

  1. Mga produkto ng pagsasaka.
    Maraming ani ang nahugot mula sa mga kabukiran ngayong taon, salamat sa magandang panahon.

Pandiwa[baguhin]

Kaganapan Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Tagaganap nag-ani/ umani nag-aani/ umaani mag-aani/ aani
Tagatanggap ipinag-ani ipinapag-ani ipag-aani
Layon inani inaani aanihin
Ganapan napag-anihan/ pinag-anihan napag-aanihan/ pinag-aanihan mapag-aanihan/ pag-aanihan
Kagamitan ipinang-ani/ naipang-ani ipinapang-ani ipang-aani/ maipang-aani
Sanhi -- -- --
Direksyunal -- -- --

ani

  1. Ang pagpitas ng mga butil, prutas, at gulay mula sa mga sakahan o taniman.
    Nagdala ng pananghalian ang mga dalaga habang nag-aani ng palay ang kanilang mga ama.
  2. Ang paglikom ng isang bagay mula sa ibang tao o grupo.
    Umani ng masigabong palakpakan si Ligaya matapos ng kanyang awitin.

Pang-abay[baguhin]

ani

  1. Sabi ni, ayon kay.
    Ani Saleng, nagpunta raw sa bayan si Lucio.

Mga deribasyon[baguhin]

Mga salin[baguhin]

Flag of Japan.svg Ainu[baguhin]

Pandiwa[baguhin]

  1. Pagkakaroon ng isang bagay, pagkapit sa isang bagay.
  2. Pagkuha.

Flag of Mali.svg Bambara[baguhin]

Pangatnig[baguhin]

  1. At, ginagamit kapag higit sa dalawang bagay ang binabanggit.

Halimbawa:

Mali ni Burkina Faso ani Guinea
Mali, Burkina Faso, at Guinea.

Flag of the United States.svg Chickasaw[baguhin]

Pandiwa[baguhin]

  1. Lumikha.

Flag of Slovakia.svg Eslobako[baguhin]

Pangatnig[baguhin]

  1. O (negatibo), neither...nor sa Ingles.

Halimbawa:

Nechce sa mi ani jesť ani piť.
Wala akong ganang kumain o uminom.

Flag of Japan.svg Hapones[baguhin]

Pangngalan[baguhin]

あに (hiragana), (kanji)

  1. Kuya

Flag of Israel.svg Hebreo[baguhin]

Panghalip[baguhin]

אני

  1. Ako

Flag of the United States.svg Ingles[baguhin]

Pangngalan[baguhin]

  1. Isang uri ng ibon mula sa sangay na Crotophaga mula sa pamilya ng mga cuckoo.

Flag of Italy.svg Italyano[baguhin]

Pangngalan[baguhin]

  1. Maramihang anyo ng ano.

Flag of Australia.svg Kriyolo Australiyano[baguhin]

Etimolohiya 1[baguhin]

Mula sa salitang Ingles na honey.

Pangngalan[baguhin]

  1. Pukyutan.

Etimolohiya 2[baguhin]

Mula sa salitang Ingles na only.

Pang-abay[baguhin]

  1. Tangi, lang, lamang.

Flag of the Vatican City.svg Latin[baguhin]

Pangngalan[baguhin]

  1. Pagmamay-aring isahang anyo ng anus.
  2. Simunong maramihang anyo ng anus.
  3. Kausap na maramihang anyo ng anus.

Flag of Finland.svg Pinlandes[baguhin]

Pang-abay[baguhin]

  1. Napaka- o pinaka-, ginagamit lamang sa mga salitang harvoin (madalang), harva (kakaunti), harvinainen (bihira), varhain (maaga, pang-abay), at varhainen (maaga, pang-uri).

Flag of Romania.svg Rumano[baguhin]

Pangngalan[baguhin]

  1. Mga taon, maramihang anyo ng an.

Flag of the Czech Republic.svg Tseko[baguhin]

Partikulo[baguhin]

  1. Hindi.

Pangatnig[baguhin]

  1. O (negatibo), neither...nor sa Ingles.

Flag of Turkey.svg Turko[baguhin]

Pang-uri[baguhin]

  1. Biglaan
  2. Di-inaasahan